Samsung Firmwares., SM-S901E (AFR) | TL

I-download ang pinakabagong firmware ng Samsung na ✅ SM-S901E AFR. Ang buong listahan ng mga firmwares na magagamit para sa pag-download

Showing 1-10 of 31 items.
Listahan ng mga firmware ng Samsung
DeviceModelRegionPDA/AP VersionCSC VersionMODEM/CP VersionOs VersionBuild Date
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFRS901EXXU8EXE1S901EOXM8EXE1S901EXXU8EXDD14
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFR S901EXXS8DXD2 S901EOXM8DXD2S901EXXS8DXD214
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFR S901EXXS7DXC2 S901EOXM7DWL1S901EXXS7DXB214
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFR S901EXXS7DXB8 S901EOXM7DWL1S901EXXS7DXB214
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFR

SM-S901EAFRS901EXXU7DWL1

Upgrade sa One UI 6.0

Quick panel

Bagong layout ng button
May bagong layout ang quick panel na mas magpapadali sa pag-access sa mga feature na pinakaginagamit mo. May kanya-kanya nang button ang Wi-Fi at Bluetooth sa itaas ng screen, habang inilipat sa ibaba ang mga visual na feature, tulad ng Dark mode at Eye comfort shield. Makikita ang mga button ng ibang mga quick setting sa isang nako-customize na lugar sa gitna.

Ma-access kaagad ang buong quick panel
Bilang default, may lalabas na compact na quick panel na may mga notification kapag nag-swipe ka pababa mula sa itaas ng screen. Kapag nag-swipe ulit pababa, matatago ang mga notification at makikita ang na-expand na quick panel. Kung io-on mo ang instant access sa Mga quick setting, matitingnan mo ang na-expand na quick panel sa pamamagitan ng pag-swipe nang isang beses mula sa kanang bahagi ng itaas ng screen. Kapag nag-swipe pababa mula sa kaliwang bahagi, makikita ang mga not...
S901EOXM7DWL1S901EXXU7DWL114
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFR S901EXXS7DWL8 S901EOXM7DWL1S901EXXS7DWL814
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFR S901EXXS7CWI1 S901EOXM7CWH6S901EXXS7CWH613
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFR S901EXXS7CWH6 S901EOXM7CWH6S901EXXS7CWH613
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFR

SM-S901EAFRS901EXXU6CWH3

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.
S901EOXM6CWH3S901EXXU6CWH313
Samsung Galaxy S22SM-S901EAFR S901EXXS6CWF6 S901EOXM6CWF6S901EXXS6CWF613

Changelog: SM-S901E(AFR)

• Seguridad
Ang device ay protektado ng pinahusay na seguridad.

• Seguridad
Ang device ay protektado ng pinahusay na seguridad.

• Seguridad
Ang device ay protektado ng pinahusay na seguridad.

• Seguridad
Ang device ay protektado ng pinahusay na seguridad.

Upgrade sa One UI 6.0



Quick panel

Bagong layout ng button
May bagong layout ang quick panel na mas magpapadali sa pag-access sa mga feature na pinakaginagamit mo. May kanya-kanya nang button ang Wi-Fi at Bluetooth sa itaas ng screen, habang inilipat sa ibaba ang mga visual na feature, tulad ng Dark mode at Eye comfort shield. Makikita ang mga button ng ibang mga quick setting sa isang nako-customize na lugar sa gitna.

Ma-access kaagad ang buong quick panel
Bilang default, may lalabas na compact na quick panel na may mga notification kapag nag-swipe ka pababa mula sa itaas ng screen. Kapag nag-swipe ulit pababa, matatago ang mga notification at makikita ang na-expand na quick panel. Kung io-on mo ang instant access sa Mga quick setting, matitingnan mo ang na-expand na quick panel sa pamamagitan ng pag-swipe nang isang beses mula sa kanang bahagi ng itaas ng screen. Kapag nag-swipe pababa mula sa kaliwang bahagi, makikita ang mga notification.

Mabilis na ma-access ang kontrol sa liwanag
Lalabas na bilang default ang control bar ng liwanag sa compact na mabilisang panel kapag nag-swipe ka pababa nang isang beses mula sa itaas ng screen para sa mas mabibilis at mas madadaling pag-adjust ng liwanag.

Pinahusay na display ng album art
Habang nagpe-play ng musika o mga video, masasakop ng album art ang buong media controller sa notification panel kung may album art ang app na nagpe-play ng musika o video.

Pinagandang layout para sa mga notification
Lalabas na bilang hiwalay na card ang bawat notification, kaya mas madaling tukuyin ang mga indibidwal na notification.

Mas malilinaw na icon ng notification
Puwede mong gamitin ang mga mismong full-color na icon na ginagamit para sa bawat app sa Home screen at Apps screen. Mao-on mo ito sa Settings.

Isalansan ang mga notification ayon sa oras
Mababago mo na ang iyong mga setting ng notification para magsalansan ayon sa oras sa halip na ayon sa prayoridad para palaging nasa itaas ang iyong mga pinakabagong notification.



I-lock ang screen

Baguhin ang posisyon ng iyong clock
Mas malaya ka na ngayong ilipat ang iyong clock sa posisyong gusto mo sa Lock screen.



Home screen

Mga pinasimpleng icon label
Nasa iisang linya na lang ngayon ang mga icon label para mas maaliwalas at mas simple itong tingnan. Inalis na ang "Galaxy" at "Samsung" sa ilang pangalan ng app para gawing mas maikli at mas madaling i-scan ang mga ito.

Mag-drag at mag-drop gamit ang 2 kamay
Magsimulang mag-drag ng mga icon o widget ng app sa iyong Home screen gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa screen kung saan mo gustong i-drop ang mga ito.



Multitasking

Panatilihing nakabukas ang mga pop-up window
Sa halip na i-minimize ang mga pop-up window kapag pumupunta ka sa screen na Mga Kamakailan, mananatili nang nakabukas ang mga pop-up pagkaalis mo sa screen na Mga Kamakailan para maipagpatuloy mo ang ginagawa mo.



Samsung Keyboard

Bagong disenyo ng emoji
In-update at may bago nang disenyo ang mga emoji na nakikita sa iyong mga mensahe, post sa social media, at sa iba pang bahagi ng phone mo.



Pagbabahagi ng content

Mga preview ng larawan
Kapag nagbabahagi ka ng mga larawan mula sa anumang app, lalabas ang mga preview na larawan sa itaas ng panel na Ibahagi para bigyan ka ng isa pang pagkakataong i-review ang mga larawan bago ibahagi ang mga ito.



Lagay ng panahon

Bagong widget para sa Lagay ng Panahon
Magbibigay ang widget para sa mga insight sa Lagay ng Panahon ng higit pang impormasyon tungkol sa lagay ng panahon sa inyong lugar. Makikita sa forecast kung kailan ang magkakaroon ng malalakas na ulan na may pagkulog at pagkidlat, pag-ulan ng niyebe, ulan, at iba pang kaganapan.

Marami pang impormasyon sa app para sa Lagay ng Panahon
Makikita na ngayon sa sa app para sa Lagay ng Panahon ang impormasyon tungkol sa pag-ulan ng niyebe, mga phase at oras ng paglitaw at paglubog ng buwan, atmospheric pressure, visibility distance, dew point, at direksyon ng hangin.

Interactive na view ng mapa
Mag-swipe para magpalipat-lipat ng puwesto sa mapa at mag-tap ng lokasyon para tingnan ang lagay ng panahon sa partikular na lugar. Makakatulong sa iyo ang mapa na maghanap ng impormasyon sa lagay ng panahon kahit na hindi mo alam ang pangalan ng lungsod.

Mga pinagandang ilustrasyon
Pinaganda ang mga ilustrasyon sa widget at app para sa Lagay ng Panahon para magbigay ng mas mahusay na impormasyon tungkol sa kasalukuyang lagay ng panahon. Magbabago rin ang mga kulay ng background depende sa oras ng araw.



Camera

Simple at intuitive na disenyo
Pinasimple na ang kabuuang layout ng Camera app. Binago ang disenyo ng mga button ng mga quick setting sa preview screen para mas madaling maunawaan ang mga ito.

Mga custom na widget ng camera
Puwede kang magdagdag ng mga custom na widget ng camera sa iyong Home screen. Puwede mong itakda ang bawat widget na magsimula sa isang partikular na shooting mode at mag-save ng mga larawan sa isang album na pipiliin mo.

Mas marami pang opsiyon sa pag-align para sa mga watermark
Mapipili mo na kung lalabas ang iyong watermark sa itaas o ibaba ng mga litrato mo.

Mag-scan ng mga dokumento nang walang kahirap-hirap
Hiniwalay ang feature na Mag-scan ng dokumento sa Optimizer ng scene para makapag-scan ka ng mga dokumento kahit na naka-off ang Optimizer ng scene. Magbibigay-daan sa iyo ang bagong Awtomatikong pag-scan na awtomatikong mag-scan ng mga dokumento sa tuwing kumukuha ka ng larawan ng isang dokumento. Kapag na-scan na ang isang dokumento, dadalhin ka sa screen ng pag-edit kung saan puwede mong i-rotate ang iyong dokumento para i-align ito sa paraang gusto mo.

Quick access sa mga setting ng resolution
May available nang button ng resolution sa mga quick setting sa itaas ng screen sa Photo mode at Pro mode para mabilis mong mababago ang resolution ng mga litratong kinukuha mo.

Mas madadaling opsiyon sa laki ng video
May lalabas na ngayong pop-up kapag na-tap mo ang button ng laki ng video, kaya mas madali nang makikita ang lahat ng opsiyon at mapipili ang mga tamang opsiyon.

Panatilihing pantay ang iyong mga larawan
Kapag naka-on ang mga grid line sa mga setting ng Camera, may lalabas na ngayong level line sa gitna ng screen habang ginagamit ang camera sa likod sa lahat ng mode maliban sa Panorama. Gagalaw ang linya para ipakita kung pantay sa lupa ang iyong larawan.

Pag-optimize sa kalidad
Puwede kang pumili sa 3 level ng pag-optimize sa kalidad para sa mga larawang kukunin mo. Piliin ang Maximum para makuha ang mga larawan na may pinakamatataas na kalidad. Piliin ang Minimum para mabilis na kumuha ng mga larawan. Puwede mo ring piliin ang Medium para makuha ang pinakamainam na balanse ng bilis at kalidad.

Mga bagong setting ng Auto FPS para sa mga video
Makakatulong sa iyo ang Auto FPS na mag-record ng mas maliliwanag na video kapag madilim. May 3 opsiyon na ngayon ang Auto FPS. Puwede mo itong i-off, gamitin lang ito sa mga 30 fps na video, o gamitin ito sa mga 30 fps at 60 fps na video.

I-off ang pag-swipe pataas/pababa para lumipat ng camera
Opsiyonal na ngayon ang pag-swipe pataas o pababa para magpalipat-lipat sa camera sa harap at camera sa likod. Kung nag-aalala ka sa mga hindi sinasadyang pag-swipe, puwede mo itong i-off sa Settings.

I-apply ang mga effect nang mas madali
Gumagamit na ngayon ang mga filter at face effect ng dial sa halip na slider, kaya mas madali nang gumawa ng mga tumpak na adjustment gamit lang ang isang kamay.



Gallery

Mga mabilisang pag-edit sa view ng detalye
Habang tumitingin ng larawan o video, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen para pumunta sa view ng detalye. Nagbibigay na ngayon ang screen na ito ng quick access sa mga effect at feature sa pag-edit na puwede mong i-apply kaagad.

Mag-drag at mag-drop gamit ang 2 kamay
Pindutin nang matagal ang mga larawan at video gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa album kung saan mo gustong i-drop ang mga ito.

Mag-save ng mga na-clip na larawan bilang mga sticker
Kapag may na-clip ka mula sa isang larawan, madali mo itong mase-save bilang sticker na magagamit mo sa ibang pagkakataon kapag nag-edit ka ng mga larawan o video.

Pinahusay na view ng kuwento
Habang tumitingin ng kuwento, may lalabas na thumbnail view kapag nag-swipe ka pataas mula sa ibaba ng screen. Sa thumbnail view, magagawa mong magdagdag o mag-alis ng mga larawan at video mula sa iyong kuwento.



Editor ng Larawan

Pinagandang layout
Mas papadaliin ng bagong menu na Mga Tool ang paghahanap sa mga feature sa pag-edit na kailangan mo. Pinagsama ang mga opsiyong Ituwid at Perspective sa menu na Transform.

Mag-adjust ng mga dekorasyon pagkatapos mag-save
Makakagawa ka na ngayon ng mga pagbabago sa mga drawing, sticker, at text na idinagdag mo sa isang larawan kahit pagkatapos itong i-save.

Mag-undo at mag-redo
Huwag mag-alala kung magkakamali. Madali ka nang makakapag-undo o makakapag-redo ng mga pagbabago, filter, at tone.

Gumuhit sa mga custom na sticker
Kapag lumilikha ng mga custom na sticker, magagamit mo na ang mga tool sa pagguhit para gawing mas personal at natatangi ang iyong mga sticker.

Mga bagong background at istilo ng text
Kapag nagdaragdag ng text sa isang larawan, puwede kang pumili sa ilang bagong background at istilo para matulungan kang makuha ang perpektong hitsura.



Studio (Video Editor)

Mas mahusay na pag-edit ng video
Ang Studio ay isang bagong project-based na video editor, na nagbibigay-daan sa mas kumplikado at mahusay na pag-edit. Maa-access mo ang Studio mula sa Drawer menu sa Gallery o puwede kang magdagdag ng icon sa iyong Home screen para mas mabilis itong ma-access.

Layout ng timeline
Magbibigay-daan sa iyo ang Studio na matingnan ang iyong buong proyekto bilang isang timeline na naglalaman ng maraming video clip. Magbibigay-daan sa iyo ang istruktura na may maraming layer na makapagdagdag ng mga clip, sticker, subtitle, at iba pang bagay at i-adjust ang posisyon at haba ng mga ito nang walang kahirap-hirap.

Mag-save at mag-edit ng mga proyekto
Makakapag-save ka rin ng mga hindi pa tapos na proyektong pelikula para maipagpatuloy mo ang pag-edit sa mga ito sa ibang pagkakataon.



Video Player

Pinagandang layout
Mas madali na kaysa dati ang mga kontrol sa video player. Pinagsama-sama ang mga button na may magkakatulad na function, at inilipat ang button na I-play sa gitna ng screen.

Mga pinahusay na kontrol sa bilis ng pag-playback
Pumili sa ilang bilis ng pag-playback ng video na mula 0.25x hanggang 2.0x. Mas madali nang i-access ang mga kontrol sa bilis gamit ang mga nakalaang button sa halip na slider.



Samsung Health

Bagong hitsura para sa Home screen
Ganap na binago ang Home screen ng Samsung Health. Mas marami pang impormasyon ang ipinapakita, habang mas pinapadali ng mga bold na font at kulay na makita ang impormasyong pinakakailangan mo. Ipapakita ang iyong pinakabagong resulta ng ehersisyo sa itaas ng screen, at magbibigay ng mas marami pang feedback tungkol sa iyong score ng tulog pati na sa iyong mga pang-araw-araw na goal para sa mga hakbang, aktibidad, tubig, at pagkain.

Mga custom na laki ng baso ng tubig
Mako-customize mo na ang laki ng mga baso sa Water tracker ng Samsung Health para tumugma sa laki ng baso na karaniwan mong iniinuman.



Kalendaryo

Ang iyong iskedyul sa isang sulyap
Sa bagong view ng iskedyul, makikita nang sunod-sunod ang iyong mga paparating na event, gawain, at paalala.

Tingnan ang iyong mga paalala sa Calendar
Magagawa mo nang tumingin at magdagdag ng mga paalala sa Calendar app nang hindi binubuksan ang Reminder app.

Maglipat ng mga kaganapan gamit ang 2 kamay
Sa view ng Araw o Linggo, pindutin nang matagal ang kaganapan na gusto mong ilipat gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa araw kung saan mo ito gustong ilipat.



Paalala

Pinagandang view ng listahan ng paalala
Binago ang disenyo ng pangunahing view ng listahan. Mapapamahalaan mo ang mga kategorya sa itaas ng screen. Sa ibaba ng mga kategorya, ipapakita ang iyong mga paalala na nakaayos ayon sa petsa. Pinaganda rin ang layout para sa mga paalalang naglalaman ng mga larawan at link sa web.

Mga bagong kategorya ng paalala
Ang kategoryang Lugar ay naglalaman ng mga paalalang mag-aalerto sa iyo kapag nasa isang partikular na lugar ka, at ang kategoryang Walang alerto ay naglalaman ng mga paalalang hindi nagbibigay ng anumang alerto.

Mas marami pang opsiyon para sa paglikha ng mga paalala
Kapag nagbabahagi ng content sa Reminder app, magkakaroon ka ng mga kumpletong opsiyon sa pag-edit bago likhain ang iyong paalala. Puwede ka ring kumuha ng mga larawan gamit ang camera kapag lumilikha ng paalala.

Lumikha ng mga paalala para sa buong araw
Makakalikha ka na ng mga paalala para sa isang buong araw at mako-customize mo na ang oras kung kailan mo gustong maalertuhan tungkol sa mga ito.



Samsung Internet

Mag-play ng mga video sa background
Patuloy na mag-play ng tunog ng video kahit na umalis ka sa kasalukuyang tab o umalis ka sa Internet app.

Pinagandang tab list view para sa malalaking screen
Kapag gumagamit ng Internet sa isang malaking screen, tulad ng tablet na nasa landscape view o Samsung DeX, ipapakita ang tab list view sa 2 column para mas marami pang impormasyon ang makita mo sa screen sa isang pagkakataon.

Maglipat ng mga bookmark at tab gamit ang 2 kamay
Pindutin nang matagal ang bookmark o tab na gusto mong ilipat gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa folder ng bookmark o grupo ng tab kung saan mo ito gustong ilipat.



Smart select

Palitan ang laki at i-extract ang text mula sa naka-pin na content
Kapag nag-pin ka ng larawan sa screen, magagawa mo nang palitan ang laki nito o i-extract ang text mula rito.

Pinalaking view
Kapag pumipili ng isang bahagi ng screen, may lalabas na pinalaking view para masimulan at matapos mo ang iyong pagpili sa perpektong lugar.



Bixby text call

Lumipat sa Bixby habang nasa tawag
Puwede kang lumipat sa Bixby text call anumang oras, kahit na nagaganap na ang tawag.



Mga Mode at Routine

Baguhin ang hitsura ng iyong Lock screen
Mag-set up ng iba’t ibang Lock screen na may kanya-kanyang wallpaper at istilo ng orasan kapag ikaw ay nagmamaneho, nagtatrabaho, nag-eehersisyo, at marami pa. Sumubok ng madilim na wallpaper para sa Sleep mode o nakakakalmang wallpaper para sa Relax mode. Kapag in-edit mo ang Lock screen para sa isang mode, makikita mo ang wallpaper na iyon sa tuwing naka-on ang mode na iyon.

Mga bagong kundisyon
Makakapagsimula ka na ng routine kapag nagpe-play ng media ang isang app.

Mga bagong pagkilos
Mas marami nang magagawa ngayon ang iyong mga routine, tulad ng pagbabago ng mga setting ng iyong Samsung Keyboard.



Smart suggestions

Bagong hitsura at dating
Binago ang disenyo ng Smart suggestions widget at may bago na itong layout na mas akma sa iba pang icon sa iyong Home screen.

Mas marami pang pag-customize
Magagawa mo nang i-adjust ang transparency at pumili sa puti o itim na background. Makakapagtakda ka rin ng mga app na ibubukod sa mga suhestyon.



Finder

Mga mabilisang pagkilos para sa mga app
Kapag lumabas ang isang app sa iyong mga resulta ng paghahanap, puwede mong pindutin nang matagal ang app para magkaroon ng quick access sa mga pagkilos na puwede mong gawin gamit ang app. Halimbawa, kung hahanapin mo ang Calendar app, lalabas ang mga button para sa pagdaragdag ng kaganapan o paghahanap sa iyong kalendaryo. Kusa ring lalabas sa mga resulta ng paghahanap ang mga pagkilos sa app kung hahanapin mo ang pangalan ng pagkilos sa halip na pangalan ng app.



Aking mga file

Magbakante ng espasyo sa storage
Lalabas ang mga card ng rekomendasyon para tulungan kang magbakante ng espasyo sa storage. Irerekomenda ng Aking Mga File na tanggalin ang mga hindi kailangang file, magbibigay ito sa iyo ng mga tip para sa pag-set up ng cloud storage, at ipapaalam din nito sa iyo kung aling mga app sa phone mo ang gumagamit ng pinakamalaking espasyo sa storage.

Naka-integrate na Trash sa Gallery at Voice Recorder
Pinag-isa na ang mga feature na Trash ng Aking Mga File, Gallery, at Voice Recorder. Kapag binuksan mo ang Trash sa Aking Mga File, sama-sama mong makikita ang mga file, larawan, video, at recording ng boses na tinanggal mo, kasama ang mga opsiyon para sa pag-restore o permanenteng pagtatanggal.

Kumopya ng mga file gamit ang 2 kamay
Pindutin nang matagal ang file na gusto mong kopyahin gamit ang isang kamay, pagkatapos ay gamitin ang isa mo pang kamay para mag-navigate sa folder kung saan mo gustong maglagay ng kopya nito.



Samsung Pass

Mga mas ligtas na pag-sign in gamit ang mga passkey
Gumamit ng mga passkey para mag-sign in sa mga suportadong app at website. Hindi tulad ng mga password, naka-store lang ang iyong passkey sa phone mo at hindi ito mali-leak sa pamamagitan ng breach sa seguridad ng isang website. Poprotektahan ka rin ng mga passkey mula sa mga phishing attack dahil gumagana lang ang mga ito sa website o app kung saan nakarehistro ang mga ito.



Settings

Mas mahusay na Airplane mode
Kung io-on mo ang Wi-Fi o Bluetooth habang naka-on ang Airplane mode, matatandaan ito ng phone mo. Sa susunod na gamitin mo ang Airplane mode, mananatiling naka-on ang Wi-Fi o Bluetooth sa halip na mao-off.

Mas madaling access sa mga setting ng baterya
May sarili nang menu ng mga setting sa itaas na level ang mga setting ng baterya para madali mong matitingnan ang iyong paggamit ng baterya at mapapamahalaan ang mga setting ng baterya.

I-block ang mga banta sa seguridad
Makakuha ng karagdagang proteksyon para sa iyong mga app at data. Pipigilan ng Auto Blocker na ma-install ang mga hindi kilalang app, susuriin nito kung may malware, at iba-block nito ang mga mapaminsalang command para hindi maipadala ang mga ito sa iyong phone gamit ang USB cable



Accessibility

Mas madaling mahanap ang mga pagpapahusay para sa paningin
Pinag-isa na sa menu na Mga pagpapahusay para sa paningin ang mga menu na Spoken assistance at Mga pagpapahusay para sa visibility para sa mas mabilis at mas madali itong ma-access.

Mga bagong opsiyon sa pag-magnify
I-customize kung paano lalabas ang iyong window ng pag-magnify. Puwede mong piliin ang full screen, partial screen, o payagan ang pagpapalipat-lipat sa dalawa.

I-customize ang kapal ng cursor
Mapapakapal mo na ang cursor na lumalabas habang nag-e-edit ng text para mas madali itong makita.

Matuto pa tungkol sa accessibility
Nagdagdag ng link sa web page ng Samsung Accessibility sa Mga setting sa accessibility para matuto ka pa tungkol sa mga feature ng accessibility at sa aming mga pagsisikap na gawing accessible sa lahat ang aming mga produkto.



Digital Wellbeing

Pinagandang layout
Binago ang disenyo ng pangunahing screen ng Digital Wellbeing, kaya mas madaling makita ang impormasyong kailangan mo.

Mas marami pang content sa iyong lingguhang ulat
Ipapaalam na sa iyo ng lingguhan mong ulat sa paggamit ang tungkol sa mga hindi pangkaraniwang pattern ng paggamit, mga oras na pinakamadalas kang gumagamit, at kung paano mo binabalanse ang iyong oras na nasa screen.

• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay na ang mga function ng Camera at Gallery.
• Seguridad
Ang device ay protektado ng pinahusay na seguridad.

• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

Update ng One UI 5.1

Nile-level up ng One UI 5.1 ang iyong phone gamit ang mga bagong feature ng Gallery pati na rin ang mga pagpapahusay sa pagiging produktibo at pag-personalize.



Camera at Gallery

Mabilis na baguhin ang tone ng kulay para sa mga selfie
Mas madaling baguhin ang tone ng kulay ng iyong mga selfie gamit ang button na Mga Effect sa itaas ng screen.

Tuklasin ang Expert RAW
Sa Expert RAW, magagawa mong kumuha ng mga de-kalidad na shot, perpekto para sa mga gustong magkaroon ng ganap na kontrol at i-edit ang mga larawan sa ibang pagkakataon. Mas madali nang ma-access ang Expert RAW mula sa menu na Marami pa sa Camera.

Mas mahusay na paghahanap
Maaari ka na ngayong maghanap sa iyong Gallery ng higit sa isang tao o paksa nang sabay. Maaari ka ring maghanap ng mga tao nang hindi tina-tag ang kanilang mga pangalan sa pamamagitan lamang ng pag-tap sa kanilang mga mukha.

Pinahusay na pag-remaster ng imahe
Mas marami ang magagawa ng pag-remaster upang pagandahin ang iyong mga larawan sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga shadow at reflection. Maaari mo ring i-remaster ang mga GIF para sa mas magandang resolusyon at kalinawan. Pinahusay din ang preview para mas madaling maihambing ang orihinal na larawan sa nai-remaster.

Gumawa ng nakabahaging album ng pamilya
Mas madali na ngayon na magbahagi ng mga larawan sa iyong pamilya. Magrerekomenda ang Gallery ng mga larawang idaragdag sa iyong nakabahaging album ng pamilya sa pamamagitan ng pagkilala sa mga mukha ng mga miyembro ng iyong pamilya. Makakakuha ka ng 5 GB na storage para sa bawat miyembro ng pamilya (hanggang 6 na tao).

Binagong display ng impormasyon
Kapag nag-swipe ka pataas habang tumitingin ng larawan o video sa iyong Gallery, makikita mo kung kailan at saan kinuha ang larawan, aling device ang kumuha ng larawan, kung saan naka-store ang larawan, at marami pa. May mas simple nang layout ngayon.



Multitasking

Madaling i-minimize o lumipat sa full screen
Maaari mo na ngayong i-minimize o i-maximize ang isang window ng app nang hindi pumupunta sa menu ng mga opsiyon. I-drag lang ang isa sa mga sulok.

I-access ang iyong mga pinakaginagamit na app sa split screen
Kapag nagsimula ka ng split-screen na view, ipapakita ang mga app na pinakamadalas mong ginagamit sa ibaba ng iyong mga kamakailang ginamit na app upang matulungan kang mahanap ang mga app na kailangan mo nang mas mabilis.

Pinahusay na multitasking sa DeX
Sa split-screen na view, maaari mo na ngayong i-drag ang divider sa gitna ng screen upang i-resize ang dalawang window. Maaari ka ring mag-snap ng window sa isa sa mga sulok upang masakop nito ang isang quarter ng screen.



Mga Mode at Routine

Magpalit ng wallpaper batay sa iyong mode
Magtakda ng ibang wallpaper batay sa iyong kasalukuyang aktibidad. Pumili ng isang wallpaper para sa trabaho, isa para sa pag-eehersisyo, at marami pa.

Higit pang aksyon para sa mga routine
Binibigyang-daan ka na mga bagong aksyon na kontrolin ang Quick Share at sensitivity ng Touch, palitan ang iyong ringtone, at baguhin ang estilo ng font mo.



Lagay ng panahon

Mabilis na access sa kapaki-pakinabang na impormasyon
Tingnan ang mga alerto sa malalang lagay ng panahon, mga pang-araw-araw na buod ng lagay ng panahon, at mga oras ng pagsikat/paglubog ng araw sa itaas ng app na Lagay ng panahon. Gumagamit na ngayon ang graph ng temperatura ng mga kulay upang maipakita kung paano nagbabago ang temperatura sa paglipas ng araw.

Graph ng pag-ulan kada oras
Ipinapakita na ngayon ng isang graph kung gaano kadami ang pag-ulan sa iba't ibang oras sa isang araw.

Buod tungkol sa widget na Lagay ng panahon
May makikita na ngayong maikling buod ng mga kasalukuyang kundisyon ng lagay ng panahon sa widget ng lagay ng panahon upang ipaalam sa iyo kung maaraw, maulap, umuulan, o nagniniyebe.



Samsung Internet

Magpatuloy sa pag-browse sa ibang device
Kung nagba-browse ka sa web sa isang Galaxy phone o tablet at binuksan kalaunan ang Internet app sa ibang Galaxy device na naka-sign in sa parehong Samsung account, may lalabas na button na magbibigay-daan sa iyong buksan ang huling webpage na iyong tinitingnan sa kabilang device.

Pinahusay na paghahanap
Kasama na ngayon sa iyong mga paghahanap ang mga pangalan ng mga folder ng bookmark at mga grupo ng tab. Binibigyang-daan ka ng pinahusay na lohika ng paghahanap na mahanap ang iyong hinahanap kahit na may hindi naibaybay nang tama.



Mga karagdagang pagbabago

Tingnan ang antas ng baterya ng iyong mga device
Binibigyang-daan ka ng bagong widget na Baterya na tingnan ang antas ng baterya ng iyong mga device, mula mismo sa Home screen. Makikita mo kung gaano na lang kahaba ang itatagal ng baterya ng iyong phone, Galaxy Buds, Galaxy Watch, at iba pang suportadong device.

Gumamit ng hanggang 3 emoji sa AR Emoji Camera
Kumuha ng mga nakakaaliw na larawan at video kasama ang iyong mga kaibigan sa Mask mode. Maaari kang magtalaga ng ibang emoji sa mukha ng bawat tao.

Mga mungkahi sa mga setting
Habang naka-sign in sa iyong Samsung account, lalabas ang mga mungkahi sa itaas ng screen ng Settings para tulungan kang ibahagi, ikonekta, at pagandahin ang iyong karanasan sa iyong mga Galaxy device.

Mga mungkahi sa Spotify
​Nagrerekomenda na ngayon ang widget na Smart suggestions ng mga track at playlist ng Spotify batay sa iyong kasalukuyang aktibidad. Makuha ang mga perpektong kanta para sa pagmamaneho, pag-eehersisyo, at marami pa. ​Para makakuha ng mga mungkahi, kailangan mong mag-sign in sa Spotify account sa pinakabagong bersyon ng Spotify app.

Piliin kung saan ise-save ang mga screenshot at recording ng screen
Maaari mo na ngayong baguhin ang folder kung saan sine-save ang mga screenshot at mga recording ng screen.

• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

Upgrade sa One UI 5 (Android 13)

Ang One UI 5 ay naghahatid sa iyo ng higit pang personalization at pinapadali nito ang paggawa ng mga bagay-bagay sa lahat ng iyong Galaxy device.



Visual na disenyo

Mga bagong icon ng app at illustration
Mas malaki ang mga simbolo ng icon para sa mas bold na hitsurang mas madaling ma-scan. Ang mga subtle na gradient sa background at pinagandang contrast ay nagbibigay ng mas fresh at mas natural na dating. Gumawa ng mga bagong illustration ng tulong na nagbibigay ng consistent na hitsura sa lahat ng app.

Mas smooth kaysa sa dati
Mas natural ang dating ng paglipat-lipat ng screen dahil sa mga bagong animation at transition effect. Agad na lumalabgas ang mga animation at iba pang visual feedback kapag pinindot mo ang screen, kaya nagiging mas intuitive ang mga interaction. Pinahusay ang pag-scroll para maging mas smooth ang pag-scroll sa buong One UI.

Pinagandang mga blur effect at kulay
Pinahusay ang mga background blur effect sa quick panel, Home screen, at sa buong One UI sa pamamagitan ng mas matitingkad na kulay para sa mas malinaw at mas maaasahang karanasan. Ang mga pinasimpleng color scheme ng app ay nakakatulong sa iyong makaiwas sa mga distraksyon at mapagtuunan ang kasalukuyan mong gawain.



Pag-customize

I-customize ang iyong Lock screen
Pindutin lang nang matagal ang Lock screen para i-edit ito. Ano pa ba’ng mas sisimple pa rito? I-customize ang iyong wallpaper, estilo ng orasan, mga setting ng notification, at higit pa, na may live preview, lahat sa iisang lugar.

Mas maraming mapagpipiliang wallpaper
Binago ang disenyo ng mga setting ng wallpaper para mapadali ang paghahanap ng perpektong wallpaper para sa iyong Home at Lock screen. Mas maraming imahe, video, kulay, at filter na mapagpipilian.

Mas maraming opsyon para sa iyong Palette ng kulay
Mas madaling hanapin ang mga kulay na tama para sa iyo. Pumili ng hanggang 16 na color theme batay sa iyong wallpaper at mga preset color theme na dinisenyo para magmukhang maganda.

Madaling makita kung sino ang tumatawag
Magtakda ng ibang background ng tawag para sa bawat contact para madali mong makita kung sino ang tumatawag sa isang sulyap lang.



Mga mode at routine

Pumili ng mga mode batay sa iyong aktibidad
Pumili ng mode batay sa kung ano’ng ginagawa mo, gaya ng pag-eehersisyo, pagtatrabaho, o pagre-relax, piliin kung ano’ng gusto mong gawin ng telepono mo sa bawat sitwasyon. Halimbawa, i-on ang Huwag istorbohin kapag nagre-relax ka o nagpe-play ka ng musika habang nagmamaneho ka.

Ang Bedtime mode ay Sleep mode na ngayon
Hinahayaan ka ng Sleep mode na mag-automate ng mas maraming aksyon kapag oras nang matulog, tulad ng pag-on sa Dark mode at pagbabago sa sound mode.

Mas madaling tumuklas ng mga preset routine
Pinapadali ng pinasimpleng layout na maghanap ng mga routine na kapaki-pakinabang para sa iyo.

Mag-check ng mga running routine nang mabilis
Ang mga routine na kasalukyang nagra-run ay ipinapakita na ngayon sa itaas ng screen ng Mga Routine para maunawaan mo kung ano’ng nangyayari at gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan.

Mas maraming aksyon at kundisyon para sa iyong mga routine
Awtomatikong magsimula ng mga routine kapag ginagamit mo ang Airplane mode o Mobile Hotspot. Ang mga routine ay puwede na ngayong magbukas ng mga app pair at magbago sa left/right sound balance.



Mga widget sa home screen

Mag-stack ng mga widget sa iyong Home screen
Magsama ng ilang widget na may pare-parehong laki sa iisang widget para makatipid ng espasyo sa iyong Home screen. Mag-drag lang ng widget sa ibang widget para makagawa ng stack, pagkatapos ay mag-swipe para magpalipat-lipat ng widget. Puwede kang magdagdag ng mga widget sa iyong stack anumang oras sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop.

Kumuha ng mga mungkahi sa inyong Home screen
Alam na ng bagong Smart suggestions widget kung ano’ng kailangan mo bago mo pa man maisip ito. Nagmumunagkahi ito ng mga app na gagamitin, mga taong tatawagan, at iba pang kapaki-pakinabang na tips. Ang mga suhestiyon ay batay sa mga pattern ng paggamit mo.



Multitasking

Baguhin ang iyong view gamit ang isang gesture
Lumipat mula sa full screen patungo sa split screen na view sa pamamagitan ng pag-swipe paloob gamit ang dalawang daliri mula sa pinakababa ng screen. Lumipat mula sa full screen patungo sa pop-up view sa pamamagitan ng pag-swipe paloob gamit ang isang daliri mula sa alinmang sulok sa itaas ng screen. Maaaring i-on o i-off ang mga gesture sa Settings Labs.

Mabilis na buksan ang mga app sa split screen
Mag-drag lang ng app mula sa screen ng Recents papunta sa gilid ng screen kung saan mo ito gustong buksan.



Mga nakakonektang device

Gumawa ng mas marami sa iyong mga nakakonektang device
Ang menu ng Mga nakakonektang device ay idinagdag sa Settings, kaya nagiging mas mabilis at madaling mag-access ng mga feature na gumagana sa iba pang mga device, tulad ng Quick Share, Smart View, at Samsung DeX.

Magtago ng mga notification sa iyong TV
Kapag tumitingin ng content mula sa iyong telepono sa iyong TV gamit ang Smart View, puwede mong piliing magtago ng mga notification sa iyong TV para mahadlangan ang iba na makita ang iyong personal na impormasyon.

Mag-play ng tunog mula sa iyong telepono sa anumang Chromecast device
Lalabas ang mga available na Chromecast device kapag na-tap mo ang Media output sa quick panel ng iyong telepono. I-tap lang ang device kapag gusto mong mag-play ng musika o iba pang audio content.



Camera at Gallery

Mag-zoom nang mas madali gamit ang isang kamay
Ang zoom bar ay siniksik para makapag-zoom in o out ka nang husto gamit ang isang swipe.

Makakuha ng tulong sa Pro mode
Lalabas ang isang icon ng tulong sa Pro at Pro video mode. I-tap ang icon para makakuha ng mga tip at gabay para sa paggamit ng iba’t ibang lens, opsyon, at kontrol.

Histogram sa Pro mode
Gamitin ang histogram para masuri ang liwanag ng bawat tone para matulungan kang makuha ang perpektong exposure.

Magdagdag ng mga watermark sa iyong mga litrato
Awtomatikong magdagdag ng watermark sa bawat litrato na naglalaman ng petsa at oras noong kinunan ang litrato, pangalan ng modelo ng iyong telepono, o iba pang custom na impormasyon.

Sinusuportahan na ang telephoto lens sa Food mode
Kumuha ng mas magagandang close-up shot ng pagkain gamit ang telephoto lens.

Binagong Single take
Pinasimple at na-streamline ang Single take mode. Ang mas kaunting opsyon at mas maiikling recording time ay nagpapabilis at napapadali sa pagkuha ng magagandang shot.

Pumili ng mga filter nang mas madali
Ang filter selection menu ay na-streamline sa Camera, Editor ng Larawan, at Video Editor. Ang lahat ng filter ay available sa isang listahan, kaya mas madaling mahanap ang perpektong filter para sa iyong litrato o video.

Mag-customize ng mga album sa Gallery
Piliin kung aling mga album ang lumalabas bilang default at magtago ng mga album na hindi madalas na ginagamit para mapanatiling kaunti ang kalat. Puwede ka ring mag-merge ng mga album na magkapareho ang pangalan at gumawa ng mga album na awtomatikong nag-a-update para magsama ng mga larawang pipiliin mo.

All-new look para sa Stories
Ang Stories na awtomatikong ginagawa sa iyong Gallery ay binago at nilagyan ng interactive na slideshow view. Mag-tap o mag-swipe lang sa pagitan ng mga litrato at video sa iyong kuwento.



Photo at Video Editor

Gumawa ng mga sticker gamit ang anumang litrato
Gumawa ng mag reusable sticker gamit ang anumang litrato sa iyong gallery. Piliin lang ang bahagi ng litrato na gusto mong gamitin bilang sticker, pagkatapos ay i-adjust ang kapal at kulay ng mga outline.

Mas maraming paraan para mag-edit ng mga GIF
Puwede mong i-trim at i-adjust ang ratio ng mga animated GIF para iwasto ang laki nito. Puwede mo ring gamitin ang parehong editing feature na available para sa mga still image para i-decorate ang iyong GIF sa paraang gusto mo.

Panatilihin ang mga portrait mode effect kahit tapos nang mag-edit
Pinananatili na ngayon ang mga portrait mode effect kahit tapos nang mag-crop o magpalit ng mga filter para ma-adjust mo ang background blur anumang oras.

Gumuhit ng mga perpektong hugis sa mga litrato at video
Gamitin ang pen tool para gumuhit ng hugis gaya ng bilog, tatsulok, parihaba, o puso. I-hold ang daliri mo sa screen kapag tapos ka nang mag-drawing para i-transform ito kaagad sa mga tuwid na linya at perpektong anggulo.

Mga bagong sticker para sa mga larawan at video
60 bagong preloaded emoji sticker ang available para sa pag-decorate sa iyong mga litrato at video.



Mga AR Emoji at sticker

Mga bagong AR Emoji sticker
Kapag gumawa ka ng bagong AR Emoji, 15 sticker ang ginagawa bilang default na nagbigay sa iyo ng mas maraming paraan para ipahiwatig ang iyong sarili. Kung hindi ‘yon sapat, mayroon ding mas marami pang AR Emoji stickers na available na mada-download para palagi kang makahanap ng sticker na tumutugma sa iyong mga emosyon.

Gumawa ng mas marami gamit ang mga AR Emoji
Gumamit ng mga transparent na background para sa mga AR Emoji sticker, o pumili ng anumang litrato sa iyong Gallery na magagamit bilang background para sa iyong emoji sa AR Emoji Camera. Maaari ka ring mag-pair up ng dalawang emoji nang magkasama at gumawa ng nakakatuwang sayaw at pose.



Samsung Keyboard

May mga bagong emoji na available para sa emoji pairs
Sa Samsung Keyboard, mahigit 80 pang dagdag na emoji ang available para sa paggawa ng emoji pair. Puwede ka na ngayong magsama ng mga emoji batay sa mga hayop, pagkain, at iba pang bagay bilang karagdagan sa mga facial expression. Piliin ang perpektong kumbinasyon para maiparating ang iyong feelings.

I-rearrange ang mga expression button sa Samsung Keyboard
Pindutin nang matagal ang emoji, sticker, at iba pang mga button para baguhin ang puwesto ng mga ito.

Maglagay ng kaomoji nang direkta mula sa Samsung keyboard
Pasayahin ang iyong mga chat at text gamit ang mga preset na ekspresyon ng mukha na ginawa gamit ang mga simbolo sa keyboard. (*^.^*)

I-customize ang spacebar row sa Samsung Keyboard
Maaari mong piliin kung aling mga function key at punctuation mark ang ipapakita sa ibabang row ng keyboard sa tabi ng spacebar.



Mag-extract at mag-scan ng text

Mag-extract ng text mula sa anumang larawan o screen
Mag-extract ng text gamit ang Samsung Keyboard, Internet, Gallery, o tuwing kukuha ka ng screenshot. I-paste ang resulta sa mensahe, email, o dokumento sa halip na mag-type.

Makatanggap ng mga mungkahi batay sa text sa mga larawan
Kapag may text ang sa isang imahe sa Gallery, Camera, o iba pang app, may mga aksyong irerekomenda ang batay sa text. Halimbawa, kung kukuha ka ng larawan ng isang karatulang may numero ng telepono o web address, maaari kang mag-tap para tawagan ang numero o bisitahin ang site.
Ang text extraction at mga suggestion feature ay sinusuportahan lang para sa English, Korean, French, Italian, German, Spanish, Portuguese, at Chinese.



Samsung DeX

Enhanced taskbar sa Samsung DeX
Nagdagdag ng search button para padaliin ang paghahanap ng mga app na gusto mong gamitin, at puwede kang mag-right-click ng ilang app para mabilis na ma-access ang mga gawain sa loob ng app. Puwede mo ring i-customize kung aling mga button ang gusto mong lumabas sa taskbar mo.

Bagong notification indicator sa DeX
Lalabas ang isang pulang tuldok sa notification button sa iyong taskbar kung nakatanggap ng mga bagong notification mula noong huli mong binuksan ang notification panel.

Mini calendar sa DeX
Ang pag-click sa petsa sa iyong taskbar ay nagbubukas na ngayon ng mini calendar, na nagbibigay-daan sa iyong mabilis na ma-check ang iyong iskedyul nang hindi binubuksan ang buong Calendar app.



Mga Notification

Kunin lang ang mga notification na pinapayagan mo
Kapag gumagamit ka ng app sa unang pagkakataon, tatanungin ka kung nais mong makatanggap ng mga notification mula rito. Huwag mag-atubiling umayaw sa mga app na ayaw mong makaistorbo sa iyo.

Mas madaling access sa mga kontrol ng app notification
Nagpapadala ba ang isang app ng masyadong maraming notification? Mas madali na ngayon itong i-block gamit ang mga na-reorganize na setting ng notification kung saan inilalagay sa itaas ang mga kontrol ng app notification. Puwede ka ring direktang pumunta sa mga setting ng app notification gamit ang button sa ibaba ng notification panel.

Piliin kung aling mga uri ng notification ang puwedeng ipadala ng mga app
Maaari ka na ngayong magkaroon ng hiwalay na kontrol sa kung puwedeng magpakita ang mga app ng mga pop-up notification, badge ng app icon, at mga notification sa Lock screen. Payagan ang lahat ng uri, ilan, o wala. Ikaw ang bahala.

Bagong layout para sa mga notification
Ang mga app icon ay mas malaki, kaya mas madaling makita kung aling app ang nagpadala sa notification. Pinaganda rin ang text alignment para gawing mas madaling mabasa ang mga notification.



Mga Setting

Mag-set ng wika para sa bawat app
Gusto mo bang gumamit ng ibang apps sa isang wika at ibang apps sa iba? Puwede mo na ngayong piliin kung aling wika ang gagamitin para sa bawat app sa Settings.

Mag-set ng mga exception para sa Huwag istorbohin
Puwede ka na ngayong mag-set ng mga indibidwal na contact bilang mga exception sa Huwag istorbohin. Magri-ring o magva-vibrate ang telepono mo kapag tinatawagan o pinapadalhan ka ng mga mensahe ng mga taong pinipili mo, kahit na naka-on ang Huwag istorbohin. Mas madaling mag-set ng mga app bilang mga exception para makakuha ka ng mga notification alert sa mga ito kahit na naka-on ang Huwag istorbohin. Piliin lang ang mga app na gusto mong payagan mula sa bagong grid.

Pinahusay na mga setting ng sound at vibration
Na-reorganize ang mga menu para padaliin ang paghahanap ng mga opsyon ng sound at vibration na kailangan mo. I-set ang ringtone mo at baguhin ang volume at mga setting ng vibration, sa iisang lugar.

Higit pang mga opsyon para sa RAM Plus
Puwede na ngayong i-off nang ganap ang RAM Plus sa Device care kung hindi mo ito kailangan o ayaw mo itong gumamit ng anumang storage space.

Auto optimization
Pinananatili ng Device care na gumagana nang smooth ang device mo sa pamamagitan ng awtomatikong pagsasagawa ng mga optimization sa background. Para panatiling nasa pinakamagandang kundisyon ang telepono mo, puwede mong i-set ang telepono mo para awtomatikong mag-restart kung kinakailangan.



Seguridad at privacy

I-check ang security status ng telepono mo sa isang sulyap
Ang bagong Security dashboard sa Settings ay nagpapakita kung may anumang isyung panseguridad ang telepono mo at tinutulungan ka nitong maayos ang mga iyon nang mabilis.

Hadlangan ang aksidenteng pag-share ng personal na impormasyon
Ang share panel ay magbibigay-daan sa iyong subukang mag-share ng mga larawan na naglalaman ng sensitibong impormasyon, gaya ng mga credit card, ID card, o pasaporte, para mapag-isipan mo kung gusto mo talagang i-share ang mga ito.

Impormasyon sa seguridad at privacy para sa mga website
Lalabas ang isang sa address bar sa Samsung Internet para maipakita ang security status ng isang site. I-tap ang icon para malaman kung anong impormasyon ang kinokolekta at tina-track ng website.



Accessibility

Higit pang mga opsyon sa accessibility sa quick panel
Puwedeng idagdag ang High contrast font, Color inversion, Color adjustment, at Color filter sa quick panel para sa mas madaling access.

Ang Magnifier ay mas madaling i-access
I-on ang Magnifier shortcut sa Accessibility settings para magkaroon ng mabilis na access sa Magnifier feature. Ginagamit ng Magnifier ang camera ng telepono para magpalaki ng mga item sa totoong mundo para matingnan mo ito nang malapitan o gawing mas madali itong mabasa.

Higit pang spoken assistance
Pumili sa iba’t ibang uri ng voice feedback para makakuha ng tulong sa iyong telepono kahit na hindi mo makita ang screen nang malinaw. Puwede mong ipabasa sa telepono mo ang keyboard input para tiyak kang na-type mo ang tamang titik, gamitin ang Bixby Vision para makilala ang mga bagay na malapit at masabi sa iyo kung ano ang mga iyon, at ma-on ang mga audio description na nagpapaliwanag kung ano’ng nangyayari sa isang video (para sa mga sinusuportahang video lang).

I-edit nang madali ang Accessibility button mo
I-tap nang matagal ang Accessibility button para mabilis na mabago ang mga feature na ina-access mo gamit ang button.

May mga bagong aksyong available para sa Corner actions
Kung gumagamit ka ng mouse o trackpad, may mga bagong aksyong available kapag inilagay mo ang mouse pointer sa isa sa 4 na sulok ng screen. Puwede ka na ngayong mag-click at mag-hold, mag-drag, o mag-drag at mag-drop.



Mga karagdagang pagbabago

Gumamit ng ilang timer nang sabay-sabay
Puwede ka na ngayong magsimula ng bagong timer sa Clock app kahit na may ibang nagra-run na timer.

Higit pang kontrol sa mga event invitee sa kalendaryo
Kapag nagdagdag ka ng event sa iyong Google calendar sa Samsung Calendar app, puwede mong piliin kung pinapayagan ang mga invitee na makita kung may ibang imbitado sa event at piliin din kung puwede silang mag-imbita ng ibang mga tao.

Magdagdag ng mga video conference sa iyong mga event
Kapag gumagawa ka ng Google calendar event sa Samsung Calendar app, puwede ka ring mag-set up ng video conference. Ang lahat ng imbitado sa iyong event ay makakatanggap sa link sa video conference.

Magdagdag ng mga sticker sa iyong Google calendar
Magdagdag ng mga sticker sa Google calendar events sa Samsung Calendar app para gawing mas madaling makita ang mga iyon sa isang sulyap. Ipinapakita ang mga sticker sa calendar at agenda view.

Makita ang lahat ng paalalang due ngayong araw
Ang bagong kategoryang Ngayong Araw ay nagpapakita lang ng mga paalalang due ngayong araw. Puwede mo ring ma-check ang mga paalalang due ngayong araw sa itaas ng main screen sa Reminder app.

Ipakita at itago ang mga nakumpletong paalala
Puwede kang magpakita o magtago ng mga nakumpletong paalala sa anumang kategorya. Ipakita para makita kung ano na’ng natapos mo, o itago para manatiling nakatuon sa mga bagay na kailangan mong matapos.

Piliin ang tamang view para sa iyong mga paalala
Piliin ang simpleng view para magpakita ng mas maraming paalala sa screen nang sabay-sabay o isang expanded na view na kinabibilangan ng mga detalye gaya ng due date at mga kundisyon ng pag-uulit.

I-drag at i-drop ang mga bookmark sa pagitan ng mga folder
Panatilihing nakaayos ang iyong mga bookmark sa Samsung Internet sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop sa mga ito sa pagitan ng mga folder.

Mas mahusay na paghahanap sa Aking mga File
Piliin kung sa lahat ng file o sa mga file na nasa kasalukuyang folder lang maghahanap. Maaari ka ring pumili sa pagitan ng paghahanap lang ng mga pangalan ng file o paghahanap ng impormasyon sa loob ng mga file, tulad ng text sa mga dokumento o impormasyon ng lokasyon sa mga larawan. Kapag tapos na ang iyong paghahanap, maaari mong isalansan ang mga resulta ayon sa pangalan, petsa, laki, o uri ng file.

Na-redesign na Digital Wellbeing
Ang bagong dashboard ay nagpapakita ng mas malinaw na mga detalye ng paggamit at pinapadali nito ang pag-access sa mga feature na kailangan mo, gaya ng mga app timer at screen time report.

Kumuha ng tulong sa isang emergency
Mabilis na pindutin ang Side key nang 5 beses para tumawag sa emergency services kahit na nasa bulsa mo ang telepono mo o hindi ka makapagsalita.

Integrated emergency contact list
Gumawa ng emergency contact list na kinabibilangan ng mga taong gusto mong ma-contact kung sakaling may emergency. Ang parehong contact list ay puwedeng gamitin para sa mga emergency feature sa iyong relos at sa telepono.

Ipakita ang mga pangalan ng app sa edge panel ng Mga App
I-on ang Ipakita ang mga pangalan ng app para ipakita ang mga pangalan ng app sa ibaba ng mga icon ng app.



Kakailanganin ng ilang app na mai-update nang hiwalay matapos mag-upgrade sa One UI 5.

• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Suportado ang 5G Network ng data

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Sa pagsasagawa ng pag-update ng software na ito, ang device mo ay:
- hindi nililimitahan ang paggana ng CPU/GPU sa mga unang yugto ng gameplay
  * magpapanatili ng feature na pamamahala sa paggana batay sa temperatura ng device
- magbibigay ng “Alternatibong pamamahala sa paggana ng game mode” sa Game Booster
- papayagan ang 3rd party na mga app na i-bypass ang Serbisyo sa Pag-optimize ng Game
• Inayos ang katatagan ng Camera.
• Napahusay na ang pangkalahatang kapanatagan ng device mo.
• Pinahusay ang seguridad ng iyong device.

• Pinahusay ang pangkalahatang tatag ng mga function.

Inirerekomenda namin ang paggamit ng sariling mga utility ng Samsung, Samsung Smart Switch at OTA (Over-the-air), para mag-upgrade ng mga device. Gamitin lang ang aming site kung 100% ka sigurado tungkol sa mga panganib na kasangkot sa pag-flash ng iyong device SM-S901E: AFR. Hindi kami mananagot para sa anumang pinsalang dulot ng paggamit ng mga file sa website na ito.
Ang Firmwares na ibinigay dito ay lahat ng mga opisyal na Android Firmwares ng Samsung at HINDI nabago ng gayon din na direkta nating makuha ang mga ito mula sa mga server ng KIES.
Live na sinusubaybayan namin ang lahat ng mga pag-update ng firmware para sa bawat aparato ng Samsung, sa higit sa 500 mga rehiyon.
Mag-ingat, Manu-manong kumikislap na mga firmware ay maaaring brick ang iyong aparato, gamitin ito sa iyong sariling peligro at sundin ang aming mga hakbang sa tutorial.

Google translate
Huling bersyon finder