Upgrade ng One UI gamit ang Android Pie
Hatid sa iyo ng One UI ang Android Pie, dala ang mga kapanapanabik na bagong feature at bagong-bagong hitsura at dating mula sa Samsung at Google batay sa feedback mula sa mga user na gaya mo.
Inirerekomenda namin na i-back up mo ang importanteng data mo para mapanatili itong ligtas bago mag-upgrade.
Kailangan i-update nang hiwalay ang ilang app, kabilang ang Calculator, Samsung Internet, Samsung Health, Samsung Notes, Samsung Members at Samsung Pay, pagkatapos mong i-update ang OS mo.
Narito ang kung ano ang bago.
One UI
- Binago ang ayos ng mga Content, setting at iba pang impormasyon para panatilihin kang nakatuon sa ginagawang gawain.
- Inilipat ang mga interactive na elemento sa ibaba ng screen para lagi silang madaling maabot.
- Nakatutulong ang mga bagong disenyo at feature gaya ng Night mode na mapanatiling komportable ang mga mata mo.
Mga notification
- Makatutugon ka sa mga mensahe nang direkta...