Upgrade ng One UI 2 na may Android 10
Hatid sa iyo ng One UI 2 ang Android 10, na may mga kapana-panabik na bagong feature mula sa Samsung at Google na binuo batay sa feedback ng mga user na gaya mo.
Inirerekomenda namin na i-back up mo ang importanteng data mo para mapanatili itong ligtas habang ina-upgrade.
Kailangan i-update nang hiwalay ang ilang app, kabilang ang Calculator, Samsung Internet, Samsung Health at Samsung Notes, pagkatapos mong i-update ang OS mo.
Narito ang kung ano ang bago.
Dark mode
- Pinagandang larawan, teksto at mga pag-aayos ng kulay para sa mga kapaligiran na araw at gabi.
- Pinadilim na mga wallpaper, widget at alarma habang naka-on ang Dark mode.
Mga icon at kulay
- Mas malilinaw na icon ng app at mga kulay ng system.
- Mga pinahusay na layout para sa mga titulo at button para alisin ang nasayang na espasyo ng screen.
Mas maaayos na animation
- Mga pinahusay na animation na may mapaglarong katangian.