Update ng One UI 5.1
Nile-level up ng One UI 5.1 ang iyong phone gamit ang mga bagong feature ng Gallery pati na rin ang mga pagpapahusay sa pagiging produktibo at pag-personalize.
Camera at Gallery
Mas mahusay na paghahanap
Maaari ka na ngayong maghanap sa iyong Gallery ng higit sa isang tao o paksa nang sabay. Maaari ka ring maghanap ng mga tao nang hindi tina-tag ang kanilang mga pangalan sa pamamagitan lamang ng pag-tap sa kanilang mga mukha.
Gumawa ng nakabahaging album ng pamilya
Mas madali na ngayon na magbahagi ng mga larawan sa iyong pamilya. Magrerekomenda ang Gallery ng mga larawang idaragdag sa iyong nakabahaging album ng pamilya sa pamamagitan ng pagkilala sa mga mukha ng mga kapamilyang iyong pinili. Makakakuha ka ng 5 GB na storage para sa bawat kapamilya (hanggang 6 na tao).
Binagong display ng impormasyon
Kapag nag-swipe ka pataas habang tumitingin ng larawan o video sa iyong Gallery, makiki...