One UI 4.1.1 na Update
Multitasking
Mabilis na magpalipat-lipat sa mga app
Lumalabas na ngayon ang taskbar sa ibaba ng pangunahing screen para sa mas mabilis na pag-navigate sa pagitan ng mga app.
Mabilis na buksan ang mga app sa split screen o pop-up na window
I-drag ang mga app mula sa taskbar o screen ng Mga Kamakailang bagay upang mabuksan ang mga ito sa paraang pinakamadali para sa iyo. I-drag sa itaas, ibaba, kaliwa, o kanang gilid ng screen upang mabuksan sa split screen. I-drag sa gitna ng screen upang mabuksan sa isang pop-up.
Mabilis na magbukas ng mga app pair
Ipares ang mga app na madalas mong magkasamang ginagamit, pagkatapos ay idagdag ang mga ito sa Home screen o sa taskbar para mabuksan mo ang mga ito sa split screen sa isang pag-tap lang.
Madaling kontrolin ang mga opsyon sa window
Maaari mong ipakita ang window handle sa lahat ng oras, kahit na 1 app lang ang tinitingnan mo,...