Update ng One UI Core 5.1
Nile-level up ng One UI Core 5.1 ang iyong phone gamit ang mga bagong feature ng Gallery pati na rin ang mga pagpapahusay sa pagiging produktibo at pag-personalize.
Gallery
Mas mahusay na paghahanap
Maaari ka na ngayong maghanap sa iyong Gallery ng higit sa isang tao o paksa nang sabay. Maaari ka ring maghanap ng mga tao nang hindi tina-tag ang kanilang mga pangalan sa pamamagitan lamang ng pag-tap sa kanilang mga mukha.
Binagong display ng impormasyon
Kapag nag-swipe ka pataas habang tumitingin ng larawan o video sa iyong Gallery, makikita mo kung kailan at saan kinuha ang larawan, aling device ang kumuha ng larawan, kung saan naka-store ang larawan, at marami pa. May mas simple nang layout ngayon.
Multitasking
Madaling i-minimize o lumipat sa full screen
Maaari mo na ngayong i-minimize o i-maximize ang isang window ng app nang hindi pumupunta sa menu ng mga opsiyon....